Kontra-Daya sa kaalyado ni PNoy: Back off from the party-list system

UMAPELA kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang multi-sectoral poll watchdog na Kontra Daya na hikayatin ang kaniyang mga kaalyado na umatras sa plano ng mga ito na tumakbo sa halalan sa pamamagitan ng party-list system.

Ayon kay Kontra Daya convenor Fr. Joe Dizon, dapat na gawin ito ng Pangulo upang iwasang gawing ‘katatawanan’ ang party-list system at bilang respeto na rin sa marginalized sectors.

Iginiit ni Dizon na makatutulong sa Commission on Elections (Comelec) kung tutulong si PNoy na ‘malinis’ ang party-list system.

Kung patuloy umanong mananahimik hinggil dito ang Pangulo ay nangangahulugan lamang ito na kinukunsinti niya ang mga aktibidad ng kaniyang mga kaalyado.

“It would be helpful to the Comelec if the President sends a message to his allies for them to stop making a mockery of the partylist system,” ayon pa kay Dizon.

“If these groups and personalities back out, that would make Comelec’s job of cleaning the partylist system easier. If the president remains quiet, it means he is tolerating the activities of his allies,” aniya pa.

Ani Dizon, ilang personalidad na hindi marginalized at malapit sa administrasyong Aquino ang nais na makakuha ng akreditasyon sa ilalim ng party-list system.

Kabilang umano dito ang grupo ni dating Cavite Rep. Plaridel Abaya, na ama ni Transportations and Communications Sec. Joseph Emilio Abaya, ng Abante Retirees partylist; si Jorge Banal ng Alliance of Mindanao Elders at ama ni dating Quezon City councilor at Liberal Party stalwart Bolet Banal; at Leah Navarro ng Black and White Movement, na kilalang kaalyado ni PNoy.

“For the sake of the integrity and credibility of the party-list system, President Aquino should tell his allies who are not marginalized and are in fact well-entrenched in government, to back off from the party-list system,” ani Dizon. “They should respect this small and limited concession to the poor and underrepresented in our society.”

Isinumite na ng Kontra Daya sa Comelec ang mga impormasyon hinggil sa mga nasabing party-list groups na may mga kuwestiyonableng adbokasiya, representasyon at nominado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply