Korean na di nabayaran sa pautang inatake, patay

MATINDING sama ng loob ang nakikitang dahilan ng paninikip ng dibdib at tuluyang ikinamatay ng 50-anyos na Korean national matapos mabigong masingil ang P2 milyong pautang kaninang umaga sa Pasay City.

Namatay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital si Seong Hong Park,  ng Unit 1208 Park Avenue Mansion nang dumaing ng paninikip ng dibdib dakong alas-6 ng umaga kaya isinugod ito sa naturang pagamutan ng kanyang kalive-in na si Rovy Lubina, 22.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Joel Landicho ng Investigation Division ng Pasay police na kinausap ng biktima ang kanyang kaibigan na naka-base sa bansang Peru dakong alas-3 ng madaling araw upang singilin sa P2 milyong pagkakautang.

Tumanggi umano ang kausap na biktima na magbayad bagama’t nangako na magpapadala ng P110,000 sa unang linggo ng Oktubre bilang paunang bayad. Labis umanong nadismaya at sumama ang loob ng biktima dahil hindi tumupad sa usapan ang kausap na taliwas sa pangakong babayaran kaagad ang pagkakautang.

Inaya pa umano ng biktima ang kinakasama na sumagap muna sila ng sariwang hangin sa labas ng condominium dahil naninikip sa sama ng loob ang kanyang dibdib.

Matapos maglakad-lakad sa Park Avenue, pansamantalang naupo ang dalawa sa harapan ng gate ng condominium hanggang mawalan na ng malay ang lalaki hanggang bawian ng buhay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply