Kotong cop, isasailalim sa pre-charge proceedings

ISANG araw matapos isuko ang sarili sa awtoridad, sinimulan nang harapin ng isang pulis na nagtangkang mangotong sa anak ng bagong Metro Manila police Chief Supt. Leonardo Espina ang kasong administratibo laban sa kanya.

Si SPO4 Jose dela Peña ay ikakasa sa pre-charge proceedings para magbigay ng kanyang panig hinggil sa umano’y extortion try.

Sinabi naman ni Quezon City Police District Investigation and Detective Management head Superintendent Ferdinand Villanueva na inaasahan niyang malulutas agad ang kaso sa maiksing panahon.

Sinabi ni Villanueva na ang kasong administratibo laban kay Dela Peña ay kabilang ang grave misconduct, absence without leave (AWOL), insubordination, at malversation of govt property.

Nito lamang nakaraang Lunes, lumutang at isinuko ni Dela Peña ang kanyang sarili sa Quezon City Police District.

Kahit kasama ang kanyang abugado, kalmado si Dela Peña nang harapin ang media, pero tumanggi itong sagutin ang kanilang mga tanong.

Ayon sa abugado, hindi agad sumuko ang kanyang kliyente dahil natakot ito sa kanyang kaligtasan.

Simula pa noong nakaraang linggo, si Dela Peña ay hinahanting ng kanyang kasamahan sa kapulisan matapos itong masangkot sa extortion try sa anak ni Espina sa Hemandy St., New Manila, Quezon City.

Noong Setyembre 4, tinangka umanong kotongan nina Dela Peña at PO2 Resty del Rosario ang anak ni Espina na kanilang sinita at inakusahan na sangkot sa phone sex sa kanyang kotse.

Sumuko si Del Rosario nitong nakaraang Huwebes pero idinahalan na sinusunod lamang niya ang utos ni Dela Peña. Sa kabila nito, sinibak sa kanilang posisyon ang dalawang pulis at inilagay sa floating status.

Bukod sa kasong ito, napansin din ni QCPD head Chief Superintendent Mario dela Vega na si Dela Peña ay may nakabinbin pa na extortion case na naganap nitong nakaraang Mayo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply