Kotong cops bilang na ang mga araw – NCRPO chief

WALANG puwang sa kanilang hanay at hindi nila kukunsintihin ang sino mang pulis ang mapapatunyang sangkot sa pangongotong,” ayon sa bagong talagang hepe ng National Capital Regional Office.

Ito ang tahasang sinabi ni NCRPO Chief Superintendent Leonardo Espina kasunod ng pagbabanta na hindi  niya patatagalin pa sa serbisyo ang iilang mga bugok na pulis na sisira lamang sa imahe at reputasyon ng  Philippine National Police kung saan marami pa ang nagtatrabaho ng maayos para magsilbi sa mamamayan.

“Hindi namin papayagan na makasama sa hanay namin ang nakasisira sa napakaraming gumagawa ng kabutihan. Tuluy-tuloy ang pagbigay-tiwala sa amin ng tao,” ayon pa kay Espina.

Nanawagan si Espina sa publiko na makiisa sa kanyang adhikain  at isumbong lamang sa kanya kung  sino mang pulis ang umaabuso sa kanilang  mga tungkulin  at handa siyang bigyan ng seguridad ang sino mang magsusumbong .

Matatandaang ikinairita ito ni Espina dahil mismong anak niya ang muntik ng mabiktima ng dalawang tauhan ng Mobile division ng Quezon City Police District na kotongan matapos akusahan na nakikipag ‘phone sex’.

Ayon pa kay Espina, traumatized pa ang kanyang anak pero anytime soon ay magsasampa na rin ito ng reklamo laban sa dalawang pulis na kinilalang sina SPO4 Jose dela Pena at PO2 Resty del Rosario.

Ayon naman kay QCPD Director C/Supt. Mario de la Vega, maari maabsuwelto si del Rosario sa kaso depende kung mapapatunayan niya ang pahayag na wala siyang alam sa extortion sa anak ni Espina dahil sumusunod lamang siya sa mga utos sa kanya ni dela Pena.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply