Kotse swak sa hukay sa QC, 1 kritikal

ISA ang nasa kritikal na kondisyo habang isa pa ang nasugatan nang mahulog ang isang kotse sa lagpas-taong hukay na ginagawa ng Maynilad sa may kanto ng G. Araneta Avenue at Victory Avenue sa Barangay Tatalon, Quezon City, kagabi.

Nabatid na bandang alas-11:00 ng gabi nang nahulog ang isang itim na Honda City sa ginagawang hukay.

Masuwerteng nakalabas agad ang dalawang lalaking sakay ng kotse na tinulungan ng mga contractor ng Maynilad.

Kinilala ang dalawang sugatan na trabahador ng AC Mojares Construction na sina Henry Meñez, 32, residente ng Marilao, Bulacan at Jimmy Lucain, 52.

Nabatid na nasa loob ng ginagawang hukay si Meñez nang mangyari ang aksidente kaya’t tumusok sa kaliwang tagiliran niya ang bakal na panghukay at tumagos sa kanyang likuran. Kinailangan pang sumailalim si Meñez sa operasyon upang matanggal ang naturang bakal.

Nagtamo naman ng bali si Lucain at nasa ligtas nang kalagayan.

Ang kawalan ng early warning device sa paghuhukay ang itinuturong dahilan ng pagkahulog ng sasakyan.

Ayon naman sa construction company, maaaring ang pagiging mabilis ng kotse o kaya’y posibleng kalasingan ng driver ang dahilan ng aksidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply