Kris: PNoy naging ‘punching bag’ dahil kay Puno

KUMBINSIDO si Presidential sister Kris Aquino na ginawang “punching bag” lamang ng mga kritiko ng Pangulong Aquino si Puno dahil walang maibatong kasiraan sa kanyang kapatid.

Todo-depensa ang nasabing presidential sister kay Puno dahil alam nila ang pagkatao nito.

Aniya, pilit hinahanapan ng pagkakamali ang Pangulo kaya ang kanyang malapit na kaibigan ang napag-initan.

Matatandaang, bukod kay Pangulong Aquino ay malapit din si Puno sa pamilya Aquino kaya’t sobra ang tiwalang ibinigay sa nagbitiw na opisyal nang iupo bilang Usec ng DILG.

Sa ulat pa rin, sinabi ni Puno na handa siyang mamatay para sa Pangulong Aquino anumang oras.

Kaya rin daw niyang salagin ang bala o itaya ang buhay para sa kaibigan.

Sinabi ng opisyal na matagal na niyang kakilala ang Pangulo, panahon pa ni dating Pangulong Cory Aquino.

Samantala, tikom ang bibig ng Malakanyang hinggil sa di umano’y panibagong tangkang kudeta laban kay Senate President Juan Ponce-Enrile.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na kailangan muna niyang maghintay ng clearance mula sa mga nakakataas na opisyal ng Malakanyang bago pa niya ihayag ang posisyon ng Palasyo sa usaping ito.

Ang katuwiran ni Usec. Valte ay isang internal matter ang isyung ito kaya’t makabubuting hayaan na lamang ang mga Senador sa bagay na ito.

Sa ulat, iniumang na ang pag-uga sa posisyon ni Senador Enrile bunsod ng kanyang mahigpit na pagtutol sa kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Pangalan ni ni Sen. Ralph Recto ang lumutang para ipalit kay Enrile dahil sa pagiging katanggap-tanggap nito sa lahat ng mga paksyon sa Senado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply