Kristoffer Martin, idinenay na nahimatay siya nang ibitin nang patiwarik sa ‘Luna Blanca’

IDINENAY ni Kristoffer Martin na siya’y hinimatay nang patawarik na naglambitin sa taas na 10 feet sa soap na Luna Blanca. ‘Di raw totoo na siya’y hinimatay. Bagkus, inamin niyang nahirapan siya nang husto dahil habang nakalambitin sa itaas na naka-harness ay nagda-dialogue pa siya ng super lakas at galit na galit sa kanyang kalaban sa eksena ng soap.

Kahit pareho sila ni Barbie Forteza na inilambitin nang patiwarik sa eksena, si Kristoffer lang ang umindayog nang husto na nahirapan siya dahil hindi nagpa-double. Nagpa-double kasi si Barbie sa kanilang eksena.

Anyway, dahil sa hirap ng kanilang eksena, parehong nagkapasa-pasa sina Kristoffer at Barbie. Nanakit rin ang kanilang mga balakang dahil sa hapit ng harness. Markado pa rin nang ipinakita sa amin ang pasang nanggaling mula rito.

Ang Luna Blanca episode na tampok ang mga tween star na sina Bea Binene, Barbie, Derrick Monasterio at Kristoffer ay extended ng isang linggo pa. Kaya mapapanood ang teen years nina Luna at Blanca hanggang middle of September pa. First week of September ang last taping ng apat na tween stars.

Papalit sa apat na kabataang star bilang mga adult na Luna at Blanca ay sina Heart Evangelista at Bianca King, samantalang ang kanilang leading men ay sina Mark Anthony Fernandez at Mark Herras.

000

Kissing scene nina Solenn at Jose, natuloy sa ikaapat na try

BAGO mag-last shooting day ngayong Sunday ang Ikaw Na Da Best Ka na tampok ang comedy tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola, natapos na rin noong nakaraang shooting ng pelikula ang inaabangang kissing scene nina Jose at Solenn Heussaff.

Dito’y naging professional lang sina Jose at Solenn dahil kailangan talaga ang kissing scenea para maipakitang in love sila sa isa’t isa.

Sa movie, magkatambal sina Solenn at Jose na woman hater ang role. Pero nabago agad ito nang nakilala niya si Solenn na mabait sa kanya kahit super ganda talaga. Anak pa ng boss nina Jose at Wally si Sollen kaya ganon na lang kailang ang Eat Bulaga mainstay sa umpisa ng pelikula rito. But love is blind and lovers cannot see. Ma-imagine mo bang ang isang super gandang chick ay ma-in love kay Jose?

Samantala, si Wally naman ay love at first sight talaga kay Pokwang. Hahabul-habol ito kay Pokwang kaya nagka-develop-an ang dalawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply