KSA walang travel restriction – DOH

WALANG travel restriction para sa mga magpi-pilgrimage o maglalakbay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA), ito ang binigyang-diin ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Eric Tayag.

Ani Tayag, kailangan lamang dumaan ang mga pilgrims sa Bureau of Quarantine (BaQ) at magpabakuna dahil inoobliga ng Saudi Arabia na makumpleto nila ang bakunang tulad ng sa menigococcemia.

Nilinaw rin ni Tayag na wala pang bakuna sa coronavirus kaya meningococcemia vaccine ang ipinababakuna ng Saudi Arabia.

Sinabi naman ni DOLE Secretary Rozalinda Baldoz na mula sa Lunes ay tuloy na uli ang mga Pinoy domestic helper na magtatrabaho sa Saudi Arabia.

Ani Baldoz, pansamantala nilang itinigil ang pagpapadala ng mga Pinoy DH sa KSA dahil sa dami ng kaso ng pang-aabuso sa mga ito.

Bukod dito, napakababa rin umano ng sweldong tinatanggap ng mga DH sa nasabing bansa.

Sa ngayon umano ay napagkasunduang hindi bababa sa $400 ang tatanggaping sweldong ng OFWs na magtatrabaho sa KSA.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply