Kulang na bayad ugat ng rambulan sa isang bar sa QC

HUMANTONG sa pisikalan at sabunutan ang masaya sanang happy-happy ng isang grupo sa isang bar sa East Avenue Quezon City nang magkulang umano ng P200 ang kanilang bayad.

Sa ulat sa telebisyon ngayong umaga, nag-iinuman ang pitong magkakabarkada sa hindi pinangalanang bar sa Kyusi.

Sa report, sinabi na naunang umuwi ang apat sa mga ito habang nananatili pa ang tatlo.

Nang pauwi na ang tatlo ay hinarang sila ng mga bouncer ng bar dahil sa kulang na bayad at dito na nagsimula ang pagtatalo na humantong sa rambulan.

Akala umano ng tatlo ay binayaran na ng mga kasama ang kanilang bill.

Binitbit ang lahat ng sangkot sa presinto para magpaliwanag at sasampahan ng kasong alarm and scandal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply