Kulungan sa BJMP QC, nakaabang sa torture couple

BAGAMAT nagpalabas na ng release order ang Senado para sa mag-asawang Reynold at Analiza Marzan para mailipat sila sa kustodiya ng Quezon City Jail, naka-antabay pa rin ang Bureau of Jail Management and Penology hinggil dito.

Ayon kay Quezon City Jail Warden Supt Joseph Vela, wala pa silang natatanggap na commitment order mula sa Senado maging ang kailangang mga dokumento mula sa Quezon City fiscal’s office.

Sakali, aniyang, dumating sa kanila ngayong araw ang mag-asawa ay tatratuhin umano nilang mga ordinaryong preso ang mga ito.

Kinumpirma rin ni Vela na matapos ang public hearing sa Senado kahapon ay nakatanggap na siya ng abiso sa pamamagitan ng isang tawag mula sa Senate Sargeant at-arms na ililipat na sa kanilang pangangalaga ang mag-asawa.

Kung matutuloy ngayong araw, dadalhin sa Quezon City Jail sa Kamuning si Reynold Marzan habang sa Women’s Dormitory naman sa Camp Karingal makukulong ang asawa nito na si Analiza Marzan.

Matatandaang nagpalabas noon ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) laban sa mag-asawa dahil sa mga kasong serious illegal detention, serious physical injury at attempted homicide na isinampa ng umanoy inabuso nilang kasambahay na si Bonita Baran.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply