Kumain ng maraming carbohydrate at maraming fiber sa almusal

ANG katawan ng tao ay tulad sa isang sasakyan na nangangailangan ng gasolina para gumana.

Habang nalalapit ang pagtatapos mo sa iyong trabaho sa maghapon ang buong araw mo ay di pa rin tapos at kumpleto.

Kung katulad ka ng ibang mga babae, sigurado marami ka pang gagawin at iisipin tulad na lamang ng: pagsundo sa mga anak mo sa paaralan, magluto ng hapunan, magwo-work out, pangangasiwaan ang mga takdang-aralin ng mga anak, titingnan ang mga may edad ng magulang, maglalakad-lakad at magpapakain ng alagang aso, pakainin ang pusa, magbayad ng bills at tingnan ang mga gawaing bahay.

Para sa isang napakadaling magbibigay sa iyo ng enerhiya, at magtatagal din naman at puno pa ng sustansya, kumain ng meryendang may protina at iba’t ibang uri ng carbohydrate.

Subukan ang whole grain cracker na may mababang fat-cheese o kaya peanut butter–sandwich sa whole wheat na tinapay.

Ang kombinasyon ng pro-tina at sari-saring carbohydrate (ito ay natutunaw ng dahan-dahan kaysa mga simpleng carbohydrate) pinataas ang blood glucose sa isang tuloy-tuloy na paraan na nagpapataas ng enerhiya ng matagalan.

Para sa maikli at mahabang panahon ng energy boosts, ugaliin ang pagkain ng maraming fiber, carbohydrate sa almusal.

Upang mabigyang pansin at mapataas ang fiber at carbohydrate sa inyong unang bahagi ng pagkain sa umaga ang almusal, pumili ng pagkain na tulad ng whole– wheat toast o mataas ang fiber na cereal.

Ang kalahating tasa ng mataas na fiber cereal ay naglalaman ng mahigit sa 14 na gramo ng fiber, at ilang mataas ang fiber na tinapay na may 6 na gramo bawat hiwa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply