Kumpirmasyon ni Roxas ginagapang – Sotto

IBINULGAR ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na mayroong malalapit sa administrasyong Aquino na nakikiusap na suspindehin ang rules ng Commission on Appointments para mapadali ang pagkumpirma kay Mar Roxas bilang kalihim ng Department of the Interior and Local and Government (DILG).

Gayunman, tumanggi si Sotto na banggitin kung sino ang kanyang tinutukoy kasabay ng paglilinaw na hindi ito taga-Senado.

Binigyang-diin ni Sotto na kung aapurahin ang kumpirmasyon sa appointment ni Roxas, posible itong maharap sa technicality.

Ayon pa kay Sotto, dapat ay makumpirma na si Roxas bago ang Setyembre 19 dahil kung hindi ay tatamaan siya ng session break ng Senado mula Setyembre 22 hanggang Oktubre 5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply