Kuryente bababa ngayong buwan, singil sa tubig tataas

MAKARARANAS ang mga consumer ng Meralco ng pagbababa ng singil sa kuryente ngayong buwan.

Ayon sa Meralco, ang rollback sa kuryente  ay matapos bumaba ng 1.73 ang per kilowatt hour ng kanilang generation transmission at systems loss charges.

Nangangahulugan na  magkakaroon ng P173 na kabawasan sa electricity bills ng mga residenteng kumokonsumo lang ng 100 kilowatt per hour sa bawat buwan.

Aabot naman sa mahigit P300 ang mababawas sa electricity bills ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt per hour sa bawat buwan.

Habang mahigit P500 naman para sa mga kumokonsumo ng 300 hanggang 400 kilowatt per hour sa kada buwan.

Paliwanag pa ng Meralco, bumaba rin ang demand sa kuryente dahil sa masamang panahon at long weekends nitong Agosto.

Samantala, tataas naman ang singil ng Maynilad at Manila Water sa kanilang mga customer ngayong buwan.

Ayon sa Maynilad, aabot sa P0.89 sa bawat cubic meter ang madadagdag sa singil sa tubig ng mga consumer nila na “average” lang ang konsumo.

Para naman sa mga kumokonsumo ng 30 cubic meter ng tubig sa bawat buwan – tataas ang kanilang bayarin ng hanggang P9.00.

Paliwanag ng Maynilad, ito ay bunsod ng Foreign Currency Differential Adjustment  (FCDA).

Ang FCDA  ang mekanismo sa taripa na ginawa para maitala ang mga lugi o tubo ng Maynilad sa foreign exchange.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply