Kutsero ng Rizal park nagsoli ng 4,000 Euro bills sa turistang French national

KAHANGA-HANGA ang ipinakitang katapatan ng isang kutsero matapos nitong isoli ang halagang 4,000 euro  ng naiwan ng isang French national na kanyang naging pasahero kaninang umaga sa Ermita, Maynila.

Ayon kay National Parks Development Committee Director Juliet Villegas, nakilala ang kutsero na si Jaime Cabillo Mayol.

Nabatid na dakong alas 9:00 kaninang umaga nang sumakay ang grupo ng turistang French national na si Kenneth Xeddie sa kalesa ni Mayol upang libutin ang buong Rizal park.

Dahil sa labis na katuwaan sa kanilang pamamasyal ay hindi napansin ni Xeddie na nalaglag ang kanyang wallet mula sa  kanyang backpack.

Ilang metro na umano ang layo ng mga dayuhan nang mapuna ng “kutsero” ang wallet ng dayuhan na puno ng euro bills.

Dahil dito, agad nitong tinawag ang mga turista at isinuli ang wallet ni Xeddie na naglalaman ng 40 pirasong 100 Euro bills.

Namangha naman ang turista at napayakap na lamang kay Mayol.

Pakiusap naman ng dayuhan na ipaabot ang katapatan ni Mayol sa publiko sa pamamagitan ng mga media  upang sa gayun ay malaman ng iba pang turistang dayuhan na sila ay ligtas na bumisita sa Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply