Kuya Germs, di suportado ng GMA-7 sa planong pagtakbo bilang mayor ng QC?

SA isang panayam, hindi deretsahan na inamin ni kuya Germs ang nasambit na pagtakbo niya sa politics. Pakiwari namin paliguy-liguy pa ang TV host sa tuwing may magtatanong sa kanya tungkol sa balitang pagpasok niya sa pulitika.

Pero may isang source na malapit mismo sa naturang TV host ang nakapagbulong sa amin na talagang desidido na itong si kuya germs na pumalaot sa larangan ng politics.

Kung noon ay napababalita rin ang pagtakbo sa QC ni bossing Vic Sotto na mabilis naman niya itong itinanggi dahil sa pakiusap na rin marahil at panawagan ng mayor sa kasalukuyan na si Herbert Bautista.

Ito namang si kuya germs ay mukhang reading-ready nang talaga.

Sino kaya sa mga close kay kuya germs gaya ni vice mayor isko Moreno ng Maynila at iba pang mga kaibigan sa showbiz ang naghimok sa kanyang tumakbong mayor ng Kyusi?

Siguro naman maganda ang intensyon ni Moreno sa kanyang pagpasok kaya narapat lamang na bigyan natin siya ng pagkakataon at suportahan.

Kunsabagay, maging sa mga show na ginawa ni kuya germs sa GMA-7 ay marami na rin itong napatunayan gaya ng GMA supershow at Mastershowman na walang tulugan na nagtagal din ng kung ilang dekada sa ere.

Sa mga artista naman, marami ring natulungan at napasikat si kuya Germs kaya kung itutuloy man ang plano nito sa kanyang pagtakbo bilang mayor ng quezon city, sana suportahan naman siya ng mga malalapit niyang kaibigan na gaya ni Nora Aunor.

Pero may mga nababalitaan kami na tumangging magbigay ng pahayag ang mga big boss ng GMA-7 kung susuportahan ba nila si kuya Germs sa plano nitong pagtakbo bilang mayor sa Quezon city.

May mga nakapagsabi kasi sa aming hindi magbibigay ng comment sa ngayon ang GMA management kung may maaasahan bang tulong at suporta sa kanila si kuya Germs.

***

MATAPOS lumikha ng ingay dahil sa husay sa pagganap bilang batang Piolo Pascual sa teleseryeng Dahil sa Pag-ibig, muli namang pakikiligin ng child actor-turned-primetime star na si Francis Magundayao ang TV viewers sa pagpasok niya sa top-rating fantaserye na Aryana bilang bagong ka-love team ng Kapamilya tween mermaid na si Ella Cruz.

Mula sa unang pagsasama nina Francis at Ella sa Dahil Sa Pag-ibig bilang batang Piolo at batang Cristine Reyes, maraming mga manonood ang nabighani sa kakaibang onscreen chemistry ng dalawa.

Ito ang dahilan kung bakit mula nang magsimula ang launching teleserye ni Ella na Aryana ay bumuhos ang requests mula sa FrancElla (Francis at Ella) fans na muling pagtambalin ang kanilang mga idolo.

Sa katunayan, sa unang pasilip pa lamang sa karakter ni Francis sa Aryana bilang si Adrian noong Miyerkules (Agosto 29), naging usap-usapan na ito agad sa sikat na microblogging site na Twitter. Bumaha ng tweets tulad ng “forevercheska: Galing sumayaw ni Francis sa Aryana!

Kahit galit siya, pogi pa rin;” “@FRANCELLITAS: Kabo- gero talaga ang acting ni Francis Magundayao. Mahusay na bagets;” at “joyful_jonnah03: Gusto ko na ng mga ekse -na ng FrancElla! Excited na ‘ko!”

Samantala, tutukan ang mga susunod na kapanapanabik na eksena sa Aryana ngayong malapit nang dumating sa buhay ni Aryana si Adrian. Ano nga ba ang tunay na pagkatao ni Adrian?

Paano niya mababago ang buhay ni Aryana? Magiging malaking hadlang ba siya sa pagkakaibigan ni Aryana kina Marlon (Paul Salas) at Hubert (Dom Roque)?

Huwag palampasin ang magical ‘tail’ ni Aryana, gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag TV Patrol.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply