Lady photog at lady entertainment writer nagsapakan at naghampasan

LIFE is so very hard na ba talaga para magsapakan dahil lang sa anda ang kilalang lady photog na nasa tatlong dekada na sashowbiz at lady entertainment writer na laging binabansagang Gaka?

Kabaliw-baliw naman talang tunay ang ginawa ng dalawang ito sa nakaraang awards night ng prestigious pa namang award giving body na ginanap sa kilalang venue riyan sa Kyusi. Pinag-awayan raw talaga nila ang give ng PRO ng event na three-o-o lang naman.

Yes, sa halagang 300 cash, my BFFT Pete A., umabot raw talaga sa puntong nagsapakan sina photographer at reporter sa CR. Hindi lang ‘yan. May props pang payong sa bangayan nila kung saan hinampas-hampas raw talaga ni Ms. Gaka ang tomboyitang litratista ng mga artistang naging favorite noon ni Malu Barry.

Muntik-muntikan nang dumanak ang dugo sa pagitan ng dalawa mabuti na lang at nakita sila ng sekyu kaya naawat  Ang ending, umuwi silang nag-share sa kakapiranggot na 300 pero nagtatalakan pa rin habang palabas ng Sports Club na ‘yun. Tawa nang tawa ang ilang mga nakasaksi sa nangyaring fight ng mga nabanggit na nilalang na hindi man lang binigyan ng kahihiyan ang kanilang mga sarili. HaHaHa! So very cheap gyud!

***

Shooting ng launching movie na isang remake ni Meg Imperial mabilis natapos

NANG kumustahin namin sa kilalang hot talent manager ngayon na si Ms. Claire dela Fuente ang isa sa mga in demand na alagang si Meg Imperial kung nag-uumpisa na bang mag-shoot ito ng kanyang launching movie na “Menor de Edad “na isang remake ng pelikula noong dekada otsenta, say ng sikat na talent manager, tapos na raw gawin ng kanyang alaga ito.

Mabilis lang daw natapos ang shooting dahil lahat ng kasama sa cast ay mga cooperative. Happy nga raw ang produ ng film na si Jessie Ejercito dahil walang naging aberya sa shooting ng comeback project niya sa ilalim ng Seven Crown Pictures nito kung saan kasosyo niya ang Viva Films ni Boss Vic del Rosario.

Sina Ara Mina at Wendell Ramos ang dalawa sa mga artistang sumuporta kay Meg rito sa first solo starrer niya. Wala pa raw ibinibigay na definite date kung kailan ang showing nito.

Samantala, habang nag-aantay ng sked ng promo ng pelikula, busy si Meg sa kanilang eco-fantaserye na “Enchanted Garden” sa TV5 kung saan very challenging ang kanyang role bilang numero unong contravida ni Alex Gonzaga. Magaling talagang mag-handle ng kanyang mga talents si Ms. Claire.

Kita n’yo naman pare-parehong may career ang mga nasa kuwadra nito like Meg nga, Sam Pinto, Bela Padilla at Yam Concepcion na bida naman sa sexy-drama movie ng Viva Films at Reality Entertainment na “Rigodon.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply