Lagayan sa BIR, nabunyag

NAIRITA si Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares sa nabunyag na diumano’y patuloy na ‘lagayan’ o pagtanggap ng ‘grease money’ sa Large Taxpayer’s Service (regular) na nasa ilalim mismo ng kanyang pangangasiwa matapos ipag-utos ang masusing imbestigasyon upang masibak sa puwesto  ang nasa likod ng korapsyon sa nasabing tanggapan.

Ibinunyag ng source ang mga sumusunod na katiwalian na diumano’y kagagawan ng isang opisyal na binansagan sa pangalang alyas “TMD” gaya ng:

1. Umano’y pag-terminate sa mga tax cases sa LTS (Large Taxpater’s Service) sa bisa ng ‘lagay system’ o pagtanggap ng ‘grease money.’

2. Umano’y pagtanggap ng ‘gifts’ sa taxpayers tulad ng mamahaling bags, ipads, ipone, imported watch at iba pang valuable bilang additional incentives o bahagi ng sinasabing ‘mandatory practice.’

3. Umano’y pagtanggap ng ‘tips’ na katumbas ng halaga ng plane tickets para makapaglibot sa ibang bansa para makapag-shopping sa loob ng tatlong araw (friday to sunday) tuwing  week-end o every month.

4. At umano’y paggamit sa pangalan mismo ni Commissioner Henares na sinasabing kasama sa ‘share’ kahi’t wala naman itong natatanggap na parte sa lagayan.

Sinabi ng source na ang itinuturong ‘mastermind’ sa umano’y pangungulekta ng ‘grease money’ ay dating nagsilbing division chief, nanombrahang assistant commissioner at nitong nakaraang araw ay na-demote bilang assistant regional director sa Metro Manila.

Pinamamanmanan din umano ng lady commissioner ang diumano’y mabilisang pagtatapos sa naiwang malalaking kaso sa LTS (regular) upang gawing ‘pabaon’ sa paglipat sa ibang puwesto ng sinasabing TMD.

Sinabi ng source na dismayado umano si Commissioner Henares sa umano’y nabunyag na katiwalian sa LTS na kagagawan ng sinasabing alyas TMD kaya ipinahiwatig nito ang posibilidad ng total revamp sa mga key positions mula deputy commissioners, assistant commissioners, regional directors hanggang revenue district officers.

Nagbanta si Commissioner Henares na mangangahulugan ng pagsibak sa puwesto ng sinumang key revenue officials na mabibigong maka-goal sa kanilang tax collection dahil sa umiiral na Lateral Attrition Law at tiniyak na kanyang wawalisin ang mga ‘corrupt,’ ‘misfits’ at ‘undesirable’ revenue officials and men na siyang kalawang na sumisira sa imahe ng ‘daang-matuwid’ ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III. –

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply