Lalaki pinagtataga ng kainuman, patay

DEDO ang isang lalaki matapos pagtatagain ng kainuman dahil naging siyota ng una ang ka-live-in ng huli sa Caloocan City kahapon.

Dead on the spot sanhi ng mga taga sa katawan si Glen Abreo, 44 ng NPC Lines, Deparo ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si Peterson Abellanida, 56 at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon, nakatulog ang biktima makaraan magkipag-inuman sa bahay ng una habang umuwi naman ang suspek.

Ngunit pagbalik ng suspek ay may dala na itong bolo at walang salitang pinagtataga ang natutulog pang biktima bago sumuko sa mga pulis.

Nabatid na naging syota ng biktima ang ka-live-in ng suspek na si Conchita Mendoza na ikinagalit ni Abellanida na naging dahilan upang pagtatagain.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply