Lasing nandakma ng dibdib, kulong

KULONG ang isang lasing matapos dakmain ang dibdib ng dalaga na papuntang palengke sa Caloocan City, kaninang umaga.

Nakilala ang suspek na si Renato Tumalad, 32 ng Libis Talisay Dulo ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Dica Glosa Manalo, dakong alas-9:00 ng umaga, kasabay niyang naglalakad ang kanyang nanay sa Julian Felipe St., ng lungsod nang lapitan ng suspek sabay dakma sa kanyang dibdib.

Nagsisigaw ang biktima na nakita ng mga tanod na naging dahilan upang tulungan ang dalaga.

Dinampot at dinala ang suspek sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply