Laurel commemorative stamp, inilunsad

BILANG pagpupugay at pagkilala sa ika-100 anibersaryo ng kanyang kaarawan, inilunsad ng Philippine Postal Corporation at tanggapan ni Sen. Manny Villar kamakailan ang commemorative stamp kay dating Speaker Jose B. “Pepito” Laurel Jr.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Villar na isang lamang pamamaraan ang paglulunsad ng commemorative stamp bilang pagpupugay at pagkilala kay Laurel na nagsilbi sa ating bansa sa loob ng maraming dekada.

Iginiit ni Villar, chairman ng Speaker Laurel Foundation, na ang naturang paglulunsad kasabay ng ika-100 na kaarawan ni Laurel ay isa sa mga paraan upang kilalanin at pahalagahan ang mga nagawa nito para sa bansa.

“Napakataas ng aking pagkilala at matindi ang aking paghanga kay Speaker Laurel. Ginagawa naming mga Nacionalista na sukatan ng aming mga sarili ang mga prinsipyo at nagawa niya para sa bayan,” ani Villar.

Sumasalamin ang nasyonalismo at alab ng pagmamahal ni Laurel sa bayan sa mga katangian ng kanyang namayapang ama na si President Jose P. Laurel.

Sinabi ni Villar na ang mga katangiang ito ang isinasabuhay ng Nacionalista Party, ang pinakamatandang partido pulitikal sa Pilipinas.

Si Speaker Jose Laurel na tubong Tanauan, Batangas, ay isa sa mga pinagpipitagang kasapi ng NP. Hawak niya ang karangalan bilang kaisa-isang lider ng bansa na naluklok ng tatlong termino bilang Speaker ng kamara.

Siya ang pinakabatang kasapi ng kauna-unahang Kongreso ng Pilipinas at inakda ang maraming mahalagang batas kabilang na ang Retail Trade Nationalization Act of 1955 at 1969 Magna Carta of Social Justice and Economic Freedom. Naglingkod siya bilang mambabatas sa loob ng 31 taon.

Sa ilalim ng liderato ni Pangulong Corazon Aquino, itinalaga si Laurel sa Constitutional Commission na nagbalangkas sa 1987 Constitution. Siya din ay bantog bilang isa sa mga may-akda sa “Filipino First” policy na nakasaad sa Saligang Batas. Siya ay namatay noong March 11, 1998 sa edad na 85.

Bilang pagkilala kay Laurel, inakda ni Villar ang Senate Bill No. 1217 na naglalayong pangalanan bilan Speaker Jose B. Laurel Jr. Highway ang national highway na nagdudugtong sa mga bayan ng Talisay, Laurel at Agoncillo sa lalawigan ng Batangas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply