‘Lawin’ bahagyang humina; storm signal nakataas pa rin sa ilang lugar

BAHAGYANG humina ang bagyong Lawin na namataan sa 350 kilometers silangan ng Appari, Cagayan.

Ayon sa PAGASA, taglay ng super bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 205 km per hour malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 240 kph.

Nakataas pa rin ang babala ng bagyo bilang dalawa sa mga isla ng Batanes, Calayan at Babuyan group of islands, gayundin sa lalawigan ng Cagayan.

Habang babala ng bagyo bilang isa ang nakataas sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Kalinga, Apayao, Abra at Isabela.

Binalaan rin ng PAGASA ang mga mangingisda sa Silangang bahagi ng bansa na huwag na munang pumalaot dahil sa panganib na dala ng bagyo na nagbubunsod ng matataas na alon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply