Learn to ride

NAGLUNSAD ang Suzuki Philippines ng isang programa na tinawag nilang Suzuki Motorcycle Safety Learn to Ride Program na sinimulan noong Setyembre 15 hanggang 16 at Setyembre 29 hanggang ngayong araw, Setyembre 30, 2012 na isinagawa sa LTO Head Office sa East Avenue, Diliman, Quezon City.

Katuwang ng Suzuki sa programang ito ang Land Transportation Office (LTO) at Motorcycle Philippines Federation (MCPF). Lahat ng participants na makakapasa sa driving exam ay makakakuha ng certificate mula sa LTO at maaari nila itong ipakita kung sila ay kukuha ng 1 non-professional driver’s license.

Ginawa sa unang araw ng seminar ang mga lecture tungkol sa basic riding kasama na ang tamang pagsusuot ng mga protective gear, handling, balancing, tamang pag-start ng engine, throttle control at start and stop exercises. Sa pangalawang araw naman ay ipapakita ang advanced lessons kung saan ituturo ang tamang paggamit ng headlights, salamin o side mirrors, shifting gears at tamang postura ng rider kapag ito ay liliko.

Ang Learn to Ride Program ay bahagi pa rin ng kampanya ng Suzuki na maiwasan ang aksidente sa kalsada at mapanatili ang kapayapaan ng mga motorista habang sila ay naglalakbay. Sinabi ni Suzuki Philippines President Satoshi Uchida na nakikiisa sila sa advocacy ng gobyerno ng ating bansa na mabawasan ang road accident sa bansa at makapagbigay ng road courtesy at discipline sa mga motorista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply