Leni Robredo pasok bilang hukom sa CamSur

KUMBINSIDO ang Malakanyang na pasado at kuwalipikado si Atty. Leni Robredo bilang hukom sa Camarines Sur RTC.

Ayon kay  Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, maganda ang track record ni Atty. Leni para ipagkatiwala ng Judicial and Bar Council (JBC) sa biyuda ng yumaong DILG Sec. Jesse Robredo ang nabanggit na posisyon.

Kasama ang pangalan ni Atty. Leni sa shortlist na isinumite ng JBC kay Pangulong Benigno Aquino III.

Subalit, sinabi ni Usec. Valte na ayaw nilang pangunahan ang desisyon ng Chief  at hintayin na lamang ang appointment sa takdang panahon.

Sa ulat, hinikayat si Atty. Leni ng supporters ng yumaong Robredo na tumakbo sa pagka-senador pero napag-alaman sa isang anak na wala itong planong pumasok sa politika.

“Atty. Leni Robredo has the qualifications but at this point we do not wish to preempt any decision the President will make on this matter. Let us wait for the appointment to be announced at the appropriate time,” ayon kay Usec. Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply