Letran at JRU sikwatan sa third spot

MAGAAGAWAN sa solo third spot ang host Letran Knights at Jose Rizal U Bombers ngayong alas-sais ng gabi sa gaganaping 88th season ng NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Krusyal at mahalaga ang natitirang laro kaya naman pihadong magbabakbakan ng todo ang Letran at JRU upang makasama sa top four papasok ng semifinals.

Parehong may tig 9-6 win-loss slate ang Heavy Bombers at Knights kung saan ay kasalo nila sa third to fifth spot ang Perpetual Help Altas.

Tanging ang defending champion San Beda College Red Lions at last year runner up San Sebastian College Stags ang panigurado sa Finals Four.

Nasa top spot ang Red Lions sagpang ang 13-2 panalo-talo karta habang 11-4 ang baraha ng Stags.

Bitbit na rin ang Mendiola-based San Beda ang twice-to-beat advantage.

Samantala, magpapapawis na lang sa  sa opening match sa alas-kuwatro ang College of Saint Benilde at Emilio Aguinaldo College dahil pareho na silang tanggal sa kontensyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply