Libreng sakay sa MRT, LRT sa CSC anniv

MAGBIBIGAY ng libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) ang Civil Service Commission (CSC) sa pakikipagtulungan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) para sa mga empleyado ng gobyerno sa Setyembre 19.

Ang free ride ay kaugnay ng pagdiriwang ng ika-112 Anibersaryo ng Philippine Civil Service at nagkaloob ng libreng pagsakay ng mga kawani ng pamahalaan sa tren.

Ipiprisinta lamang ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang ID upang makalibre ng sakay sa MRT o LRT.

Ang libreng sakay sa MRT ay magsisimula ng alas 7:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi habang sa LRT naman ay alas 7::00ng umaga hanggang alas 9:00 rin ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Maliban sa mga empleyado ng gobyerno, hindi naman nilinaw ng CSC na kabilang sa ride all you can ang pribadong commuters na tumatangkilik sa LRT at MRT.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply