Libreng serbisyong medikal para sa mga Marikenyo

BILANG pakikiisa ng lungsod sa pagdiriwang ng Medical Technologists’ Week sa buong Pilipinas, inaanyayahan ng lokal ng pamahalaan ng Marikina ang mga Marikenyo na magpunta upang mapagkalooban ng ilang libreng serbisyong medikal ng City Health Office (CHO) sa Biyernes, ika-21 ng Setyembre, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali sa Healthy City Center sa Brgy. Sto. Niño, lungsod ng Marikina.

Ang Medical Technologists’ Week ay ipinagdiriwang sa buong bansa sa pangunguna ng Philippine Association of Medical Technologists (PAMET).

Ang CHO ay naghanda ng ilang libreng serbisyong medikal tulad ng Fasting Blood Sugar (FBS), cholesterol test, bone scanning, digital rectal examination, blood pressure, blood typing, at iba pang serbisyo tulad ng masahe at gupit.

“Ang mga libreng serbisyong ating ipinagkakaloob ay hindi lamang bahagi ng pagdiriwang ng Medical Technologists’ Week, ito ay upang makatulong din sa mga residenteng nais makiisa sa pagdiriwang. Kahit papaano, sila ay makatitipid lalo na sa ilang mga laboratory test na makukuha nila nang libre sa araw na iyon,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Ang libreng serbisyo ay bukas sa 50-100 pasyente na ayon sa ‘first come, first served’ basis lamang.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa nasabing aktibidad, mangyaring makipag-ugnayan  sa Laboratory Section ng City Health Office sa numero bilang (02) 942-0831.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply