Libreng surgery sa goiter inilatag sa Taguig

TAGUIG City – KINUMPIRMA ni Mayor Laarni L. Cayetano na libre ang pagpapatanggal ng bosyo o goiter sa pamamagitan ng surgery para sa mamamayan partikular na sa hanay ng kababaihan na nagtataglay ng nasabing karamdaman, ayon sa bagong ulat na ipinalabas ni Atty. Darwin Icay ng Public Information Office (PIO) ng naturang lungsod.

Sa pahayag ni Cayetano ayon kay Icay na aabot aniya sa 125 bilang ng mga kababaihan na may goiter ang tatanggap ng libreng gamutan kasama na ang pagtistis nito mula sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa ilalim ng itinataguyod na bagong programa na “Oplan Alis Bosyo: Thyroid Operation Program.”

Sinabi ng Alkalde ng lungsod na bukod sa itinutulak na pagkalinga sa kalusugan ng mga mamamayan, layunin din ng kanilang programa na mapasigla ang kaisipan ng mga goiter patients na naapektuhan ang pagtitiwala sa sarili bunsod ng kanilang karamdaman.

Sa katatapos na screening para sa mga pasyenteng may goiter na ginanap sa auditorium ng lungsod, sasailalim ang mga ito sa surgical operations ng mga mahuhusay na siruhano buhat sa mga hospital na katuwang ng pamahalaan.

Kabilang sa mga kilalang pampublikong pagamutan na makakasama sa pagtataguyod ng nabanggit na programa ay ang East Avenue Medical Center, Rizal Medical Center, at Jose Reyes Memorial Medical Center.

Sinabi ni Icay na mula sa datos ng Taguig City Integrated Survey System (TCISS) ay nabatid ng alkalde na karamihan sa mga kababaihan ay may sakit na goiter.

Mabilis din na umagapay sina Senate Minority Leader Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano sa paghahatid ng kanilang mga health related assistances upang mapalawak pa ang takbo ng programa.

Anila, walang dapat ikabahala ang isang pasyente sa mga gastusin dahil ipagkakaloob iyon ng libre ng dalawang batikang mambabatas ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply