Lider ng PISTON-Central Luzon, pinaslang

PINATAY noong Lunes, Setyembre 3, ang presidente ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON-Central Luzon chapter na si Poncing Infante.

Si Infante ang ika-isang daan at ikatlong biktima ng extrajudicial killing sa ilalim ng gobyernong Benigno Aquino.

Binaril si Infante ng riding-in-tandem na mga salarin sa paradahan ng dyip malapit sa Marquee Mall sa Lungsod ng Angeles sa lalawigan ng Pampanga.

Dahil dito, sinabi ng Anakpawis party na walang iniwan ang kasalukuyang administrasyon sa nakaraang rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo sa usapin ng karapatang pantao.

Ang kamatayan ni Infante ay kasunod lamang ng pag-apruba ng Commission on Election sa petisyon ng PISTON na palahukin sila sa halalang party-list sa susunod na taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply