Liderato ng Senado ‘di natitinag sa bantang kudeta vs Enrile

HINDI natitinag ang liderato ng Senado kaugnay sa bantang kudeta kontra sa kapangyarihan ni Senate Presidente Juan Ponce Enrile.

Batay sa ulat, hindi man lamang nababahala si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto sa kumalat na isyung tangkang kudeta laban sa Senate President.

Naniniwala si Sen. Sotto na nakabuti pa nga kay Sen. Enrile na naibunyag nito ang maitim na balak sa kanya dahil nakatulong pa ito upang lalong lumakas ang suporta sa kanya ng mga senador na naniniwala sa kanyang pamumuno.

Ayon pa kay Sotto, kahit may mga ulat na mayroong nagtatangka na patalsikin sa pwesto si Enrile ay hindi ito basta-basta mangyayari.

Normal lang umano kung may ibang ayaw sa pamamalakad ni Enrile, ang mahalaga, aniya, ay nagagampanan nito ang kanyang tungkulin bilang Senate President.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply