Ligal ang jueteng kay Noynoy

Aba, at kita mo nga naman ano?

Naisip pa nila ‘yun!

Iniutos ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na gawin nang ligal  ang sugal na jueteng.

Ang dahilan? Hindi tagumpay ang small time (este town pala) lottery.

Pinag-isipan ninyong mabuti ito ha?

Talagang malalim na pag-iisip sa harap ng kompyuter ang ginawa ninyo para marating ang desisyon na ito ano?

Eh kung nakinig kayo noong araw na bahag ang buntot ng mga gambling lord sa kalokohan nina Erap at Atong Ang, mala-mang may mahihita ang taumbayan sa kilos na ‘yan.

Kasi, kahit papaano, sinsero si Erap na ibigay sa taumbayan ang biyaya ng jueteng. Eh ngayon? Ngayong marami nang jueteng lords ang kung hindi Go-vernor ay Mayor at ang iba ay nagbabalak na ma-ging Congressman at ‘yung isa pa nga ay ilang beses nang tinangka na maging senador, sa tingin ninyo may ngipin pa ang desisyong ito?

Lalo lang pong madadale ang kapiranggot na kita ng mga maliliit na kababayan natin sa pro-binsiya at yayamang tunay ang mga ganid na gambling lord.

Sana noong takot pa na mawalan ng pagkaka-kitaan ang mga gambling lord, ginawa nang ligal yang jueteng na ‘yan.

Sigurado na kahit anong batas na nais natin para protektado ang pupusta mapatatakbo natin.

Eh ngayon na nakau-po na ang mga gambling lord sa poder?  Sa tingin ba ninyo papayag pa ang mga ito na malugi sila?

O may kinalaman na naman dito ang barkadang dikit ni Noynoy na si Rico Puno. Dahil si-ya naman talaga ang ni-lalapitan ng gambling lords noong araw.

Natanong ko lang naman.

React at ira_p-@hotmail.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply