Lim sa publiko: Tumulong vs krimen

HINIKAYAT ngayon ni Manila Mayor Alfredo Lim ang publiko na tumulong sa pagsugpo ng krimen sa pamamagitan ng pagre-report sa pulisya sa makikita nilang krimen.

Sa kanyang mensahe sa pagsisimula ng isang linggong selebrasyon ng Crime Prevention Week sa San Andres Gymnasium, sinabi ng alkalde na dapat na tumulong ang publiko sa awtoridad sa mga nagaganap na krimen sa kanilang lugar.

Nagbigay ng payo ang alkalde sa grupo ng NGOs, opisyal at personnel ng Philippine National Police, Napolcom, Crimebuster Volunteers, estudyante, barangay chairmen ng six districts na dumalo sa programa.

“Tandaan natin na bagamat ang crime prevention ay responsibilidad ng PNP, hindi makakayanan ng PNP na lubos na malutas ang mga krimen, kinakailangan ang tulong ninyong lahat.” ayon sa alkalde.

“Unang una, kulang tayo sa mga modern at sophisticated criminal laboratory equipments. Para ma-solve ang isang kaso, kinakailangan natin ang impormasyon, kailangan may mag-tip na nakakaalam sa kaso at i-inform nila ang ating kapulisan. Manggagaling ang mga impormasyon sa inyong mga mamamayan, dahil ang mga pulis, kahit gaano pa sila kagaling, hindi naman pwedeng manghula ang mga yan,” ayon kay Lim.

Nagpamahagi rin ng certificates of recognition sa mga kapitan ng barangay na aktibong lumahok sa crime prevention.

Nagbigay rin ng komendasyon ang alkalde sa mga miyembro ng PNP na aktibo sa pag-promote ng kapayapaan at kaayusan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply