Limang-araw na beybi ginilitan ng ina

GINILITAN ng isang 20-anyos na ginang ang kanyang limang araw na kasisilang na sanggol sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Barangay Parulan, Sitio Dike, Plaridel, Bulacan, dahil hindi umano matanggap na bingot ito.

Sa ulat na isinumite ni Plaridel Chief Police Superintendent Julius Caesar M. Domingo, kay Bulacan Police Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez Jr., kinilala ang suspek na si Ruby Ann Luminate, 20-anyos ng nasabing lugar.

Lumabas sa ginawang imbestigasyon ni SPO4 Jaime Marcelo at PO3 Edmar Allam, may hawak ng kaso, bandang ala-1:00 ng hapon noong Setyembre 14 nang maganap ang malagim na krimen.

Bigla umanong nag-iiyak si Baby Jeric dahilan para silipin ito ng mga kaanak at laking gulat nang makita ang suspek na may hawak na kitchen knife at hinihiwa sa leeg ang kaawa-awang sanggol.

Inawat pa ng mga kaanak, maging ng mga kapitbahay ang suspek ngunit nabigo sila.

Kaagad na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang sanggol upang malapatan ng lunas, ngunit inilipat sa isa pang ospital ang sanggol dahil kritikal ang kalagayan nito.

Sa kasamaang palad bumigay si Baby Jeric at namatay nitong Setyembre 27, at ngayong araw lamang inilibing.

Lumalabas sa pagsisiyasat na dumaranas ng matinding depresyon ang ina ni Baby Jeric na nahaharap sa kasong parricide at kasalukuyang nakapiit sa Bulacan Provincial Jail.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply