Line-up ni PNoy tiyak na makatao

ILANG araw na lang ay bubulaga na sa atin ang mga pangalan ng mga lalahok sa 2013 election at siyempre ito ay katatampukan ng mga kakandidatong senador sa bansa.

Hindi na kasi mapipigil ang paglalantad ng mga kakandidato dahil sa unang linggo na ng Oktubre ang filing ng certificate of candidacy sa iba’t ibang posisyon na nakalaan sa 2013 election.

Tiniyak naman ng pangunahing namumuno sa pagbuo ng koalisyon ng Liberal Party (LP), Nacionalista Party (NP) at Nationalist Peoples Coalition (NPC) na si Kalihim Mar Roxas na ang bubuo sa line-up ng administrasyon ay pawang mga taong magsusulong ng “tuwid na daan” sa gobyerno.

Sinabi rin ni Roxas, na siya ring presidente ng LP, na ang mga taong pipiliin nila ay ituturing na mga tagapag-lingkod ng mamamayan at hindi sila ang aayudahan ng taumbayan.

Alam naman ng lahat na si PNoy lamang sa mga naging pinuno ng bansa ang hindi tumaas ang ihi dahil ang kanyang “boss” ay ang sambayanan.

Malinaw namang puso at kapakanan ng mamamayan ang basehan ng administrasyon sa pagpili ng kandidato magmula sa senatorial hanggang sa lokal kaya’t makaaasa ang taumbayan na paglilingkod na may pagkalinga at responsibilidad ang alay ng mga ilalahok ni PNoy sa halalan sa 2013.

Mahirap ang proseso ng pagpili sa isasabak ng administrasyon dahil bawal ang trapo sa line-up ni PNoy at iyan ang ating pakaaabangan at aasahan dahil katuwang ang kailangang ng Pangulo para sa pagpapaangat ng bayan.

Matinong tao rin ang kailangan ng bayan sa kasalukuyan kaya’t tama lang ang mga pinuno ng koalisyon na higpitan ang kanilang pamantayan dahil kabuhayan ng bawat isang Filipino ang pinag-uusapan rito.

###

Hirap pa rin ang United Nationalist Alliance (UNA) na makabuo ng kumpletong line-up para sa 2013 senatorial election.

Karamihan kasi sa mga gustong sumali sa kanilang linya ay puro trapo.

Mahirap ang kahaha-raping pagsubok ngayon ng UNA dahil tiyak na ang mga latak sa pulitika ng bansa ang mapupunta sa kanila.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply