Listahan ng accredited partylists ilalabas na

MALABONG mailabas ng Commission on Elections (Comelec) ngayong katapusan ng Setyembre ang kumpletong listahan ng mga accredited party-list group para sa 2013 midterm elections.

Ipinaliwanag ni Comelec Spokesperson James Jimenez na masyadong marami ang mga nakabinbing petisyon ngayon sa Comelec laban sa mga party-list organizations na nais makilahok sa halalan kaya’t posibleng abutin pa ng katapusan ng Oktubre bago tuluyang mailabas ng Comelec ang naturang listahan.

Tiniyak naman ni Jimenez na walang magiging problema kahit na hindi mailabas ang listahan bago ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre 1 hanggang 5 dahil sa nakapaghain naman na ang mga ito ng kanilang manifestation of intent to participate sa 2013 elections.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento na sa ngayon ay nagdo-doble kayod na sila upang mapabilis na ang paglalabas ng nasabing listahan sa lalong madaling panahon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply