Lola lasog sa hit-and-run sa Quezon City

NALASOG ang katawan ng isang matandang babae makaraang makaladkad matapos masagasaan ng isang hindi malamang uri ng sasakyan habang naglalakad sa tinaguriang “killer highway” sa Quezon City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center ang biktima na kinilalang si Josefina Perez, 50 anyos, at residente sa Old Balara, Quezon City bunga ng tinamong pagkabasag ng bungo at matinding pinsala sa kanyang katawan.

Batay sa isinumiteng report ni SPO1 Edgardo Talacay ng Quezon City District, TEU-Traffic Sector 5, nangyari ang insidente pasado alas 3:00 kaninang madaling araw sa kahabaan ng Commonweath Avenue malapit sa MMDA outpost sa may Tandang Sora, Old Balara.

Ayon sa ilang nakakita, naglalakad ang biktima ng masagi ng isang di matukoy na rumaragasang sasakyan na hindi rin nakuha ang plaka .

Pagkahagip umano sa biktima ay nakaladkad pa ito ng ilang metro bago lumagapak sa kongkretong kalsada  samantalang mabilis nang humarurot palayo ang nakasagasang sasakyan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply