Lola nananalbos ng kamote sa riles nahagip ng tren, patay

PATAY ang isang 76 anyos na lola nang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) habang nangunguha ng talbos ng kamote sa pagitan ng Espana at Sta. Mesa Station sa Maynila kaninang umaga.

Namatay noon din sa lugar ang biktimang si Valentina Arceo, na tumilapon pa ilang metro ang layo sa riles ng tren.

Ayon sa residente malapit sa riles ng tren, madalas umanong nangunguha ng talbos ang matanda sa kahabaan ng riles sa nasabing lugar.

Kaninang umaga ganap na alas 9:00 ay tiyempo namang may dumaang tren nang masagasaan ito.

Nabatid na sinigawan pa umano ng ilang nakasaksi sa pangyayari ang matanda ngunit hindi nito pinansin at nagpatuloy sa pangunguha ng talbos hanggang sa mahagip at masagasaan ng tren.

Ilang beses na rin umanong pinagbawalan ng kaanak ang biktima na magtungo sa riles ng tren dahil delikado ngunit patuloy pa rin nitong ginagawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply