Lola natabunan ng buhay, patay sa landslide sa CDO

NAMATAY ang isang lola nang matabunan ng buhay, samantala sugatan naman ang apo nito sa naganap na landslide sa Cagayan de Oro.

Kinilala ang namatay na si Lita Ubalde, 65 anyos samantalang ginagamot sa ospital ang limang taong gulang na apo nito na si Adrian Ubalde.

Dahil sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan, umabot din sa pitong bahay ang nasira dahil sa nangyaring flashflood.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa lindol ang nangyaring landslide pero sinasabi sa ulat na lumambot ang lupa dahil sa ilang araw nang sunod-sunod na pag-ulan.

Samantala, naging maagap din ang city government ng Cagayan de Oro na magsagawa ng paglilikas sa mga residenteng apektado ng flashflood sa naturang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply