Lola patay sa rumaragasang bus sa Maynila

PATAY ang isang lola matapos itong masagasaan ng rumaragasang bus sa Ermita, Maynila.

Ayon kay SPO4 Mario Jorge ng Manila Traffic Bureau, nasambit pa ng matanda ang kanyang pangalan na si Herminia Nayagan.

Si Nayagan ay nakasuot ng bulaklakin na pang-itaas, kulay blue na pantalon at may dalang bag, subalit walang nakuhang identification card sa loob nito.

Nakikipag-ugnayan naman ang Traffic Bureau sa operator ng nasabing bus matapos na tumakas ang driver nito na nakasagasa sa biktima.

Nabatid na naisugod pa sa Philippine general Hospital (PGH) ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay.

Inilagak naman ang labi ni Nayagan sa St.Harold Funeral para sa autopsy at safekeeping.

Nanawagan ang awtoridad sa mga kaanak na kilalanin ang biktima upang maiayos ang reklamo at dokumento at mai-claim  ang bangkay sa nasabing punerarya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply