Lolo na senglot nagwala, kalaboso

KULONG ang lasing na lolo matapos magwala sa tapat ng videoke bar sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nahaharap sa kasong Public Disturbance, Unjust Vexation at Resisting Arrest si Renato Celis, 60 ng Bisig ng Kabataan ng lungsod.

Base sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, lasing ang suspek at naghahamon ng away sa Sta. Rita Videoke bar sa 9th Avenue ng lungsod na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Nang respondehan ay pinagmumura ng suspek ang mga pulis at sinabihan na kasama siya sa pagpapasahod sa mga ito.

Walang nagawa ang suspek nang pagtulungan siyang bitbitin sa presinto ng awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply