Lolong, balisang-balisa bago ang 7.6 quake

ILANG minuto bago inuga ng 7.6 magnitude ang Eastern Visayas nitong nakaraang Biyernes, napansin na nag-aalburoto sa galit si “Lolong” na tila may nararamdamang panganib na darating.

Hindi naman nagkamali ang ayaw magpakikilalang security guard ni “Lolong”, na opisyal na itinanghal na pinakamalaking buwaya sa buong mundo sapagkat maya-maya lamang ay biglang yumanig ang pagkalakas-lakas na lindol.

Bilang pagpapatunay,  nakita sa CCTV footage na nagwawala si Lolong sa pamamagitan ng pagwasiwas  ng kanyang buntot bago biglang tumahimik nang magsimulang gumalaw na ang kalupaan.

Sinabi naman ni Dr. Mancio Danilo Alegado, Butuan City veterinarian, na narinig na niya ang mga istorya na kung paano ang mga hayup ay may kakayahang mag-predict o manghula na may paparating na natural disasters tulad ng lindol.

“I only heard stories regarding this strange behavior of animals in relation to the natural calamities na nangyayari sa atin ngayon. But I haven’t come across a scientific study that would support their premonitions,” paliwanag nito.

Kaugnay nito, ikinakasa na preparasyon para sa unang anibersaryo ng paghuli kay Lolong sa Bunawan, Agusan del Sur province.

May sukat na 6.17 meters (20.24 feet), si Lolong ang may hawak ng Guinness world record na pinakamalaking nabubuhay na crocodile na nasa kustodiya ng tao.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply