Loren nasa listahan ng UNA, Chiz wala

INIHAYAG ni Vice President Jejomar Binay na opisyal nang kasama sa senatorial slate ng United Nationalist Alliance (UNA) para sa senatorial election sa 2013 si Loren Legarda, ngunit walang binanggit hinggil kay Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Sa ginanap na press conference nitong Lunes, sinabi ni Binay na nagkasundo ang executive committee ng UNA na kinabibilangan niya, si dating Pangulong Joseph Estrada at Senate President Juan Ponce Enrile na gawin nang guest candidate si Legarda.

Ngunit, walang binanggit si Binay hinggil sa kalagayan ni Escudero na tumulong dito noong nakaraang halalang presidentisiyal na nagpaputok ng salitang Noy-Bi (Noynoy-Binay) tandem.

“The executive committee – compose of the Vice President, former President Joseph Estrada and Senate President Juan Ponce Enrile – were unanimous in their decision to invite Legarda,” ayon kay Binay.

Samantala, kinumpirma naman ni Legarda na tatakbo siya bilang senador sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition, at tinatanggap nito ang pagiging guest candidate ng UNA para sa 2013 elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply