LP-NP-NPC coalitions slate, ipoproklama na

IPOPROKLAMA ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang senatorial slate ng Liberal Party-Nacionalista Party (NP)- Nationalist Peoples’ Coalition (NPC) coalition sa makasaysayang Club Filipino sa Lunes ng umaga.

Sa ipinalabas na pahayag nitong linggo, sinabi ng tanggapan ni Sen. Manny Villar, presidente ng NP, na nakatakda nang magkaroon ng proklamasyon sa buong kandidato ng koalisyon.

Kabilang sa senatorial slate ng LP led coalition sina Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Antonio Trillanes, Sen. Francis Escudero, Sen. Loren Legarda, Sen. Aquilino “Koko” :Pimentel III at dating Rep. Cynthia Villar, former Akbayan Party List Rep. Riza Hontiveros, Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), Movie and Television Regulatory and Classification Board (MTRCB) Chairman Grace Poe Lamanzares, dating senador Senador. Jamby Madrigal and Ramon Magsaysay Jr., former television host Paolo Benigno “Bam” Aquino IV.

Guest candidate sina Legarda dahil kaalyado ng LP ang NPC, at Escudero na isang independent.

Hindi kasali ang pangalan ni LP stalwart Quezon Representative Lorenzon “Erin” Tanada III, sa slate dahil hinihintay pa ang pormal na pahayag ni Pangulong Aquino. Hindi naman tumakbo si Customs Commissioner Ruffy Biazon dahil mas ginusto nitong manatili sa kasalukuyang puwesto.

Hindi na rin tatakbo si Joel Villanueva ng Technical Education and Skills Development Authority, dahil hindi makaagapay sa survey ng mga winnables sa halalan.

Samantala, nakatakdang maghain ng kani-kanilang Certificate of Candidacy sina Pimentel at Legarda sa Lunes sa main office ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila.

Kaugnay nito, inihayag naman ni dating Sen. Juan Miguel Zubiri nitong Huwebes na -nakatakdang maghain nang sabay-sabay ng kani-kanilang CoCs ang miyembro ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Comelec.

Bukod kina Zubiri, Escudero at Legarda kabilang sa slate ng UNA sina Senador Gregorio Honasan, San Juan Rep. JV Ejercito, Zambales, Rep. Mitos Magsaysay, Cagayan Rep. Jackie Enrile, dating senador Richard Gordon at Ernesto Maceda, Zambales MTRCB Chairman Grace Poe, Joey De Venecia III, at Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian na nakatakdang pumalit kay Cebu Gwen Garcia na nauna nang umatras sa kandidatura bilang senador.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply