LP-NPC alliance sa 2013, kumpirmado

SIGURADO na ang pag-aalyansa ng Nationalist People’s Coalition (NPC) at ng Liberal Party (LP) sa 2013 elections.

Ayon kay NPC spokesman at Valenzuela Rep. Rex Gatchalian, determinado ang partido na lalo pang pagtibayin ang pakikipag-alyansa sa LP sa 2013 midterm election at hindi na umano sila aatras pa dito.

“We want to stress that the NPC is steadfast in its coalition with the LP for the upcoming 2013 mid -term elections, in fact talks are ongoing and we are already in the process of threshing out the finer details of the framework of our alliance,” ani Gatchalian.

Buo, aniya, ang suportang ibibigay ng NPC kay Pangulong Aquino.

Ipinaliwanag pa ni Gatchalian na posibleng mali ang naging interpretasyon ng ilan sa sinabi ni Senate Majority Leader Tito Sotto at nabigyan ng ibang kahulugan ang pagkakaproblema sa isyu ng equity of incumbent.

Nirerespeto naman ni San Juan Rep. JV Ejercito ang desisyon ni MTRCB Chairman Grace Poe Llamanzares na tumakbo sa darating na 2013 senatorial elections sa ilalim ng LP.

Magkagayunman, pinag-iingat ni JV si Llamanzares sa ibang mga taga-LP na naunang nagsabi na “wala umanong utak ang ama nito na si Fernando Poe Jr., gayundin ang mga personalidad na may kinalaman sa kontrobersyal na 2004 presidential elections kung saan idineklarang nanalo si dating Pangulong Gloria Arroyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply