LP, NPC coalition unti-unting nabubuwag

NAMIMILIGRONG mabuwag ang koalisyon ng Liberal Part (LP) at Nationalist  Peoples’ Coalition kapag ipinagpilitan ng kapartido ni Pangulong Benigno Aquino III na maglabo-labo ang lokal na kandidato sa 2013 mid-term elections.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, senior member ng NPC, hindi papayag ang kanilang partido na isantabi ang “equity of the incumbent rule”, o ang patakaran na kung sino ang nakaupong lokal na opisyal, ito ang magiging opisyal na kandidato ng koalisyon.

Ani Sotto, maraming incumbent officials ng NPC ang magagalit kapag ipinairal ang “free zone” o labanan ng mga kandidato ng koalisyon sa darating na halalan.

“Kapag nagkaroon ng problema sa equity of the incumbent magso-solo flight na lang kami, ang NPC, solo na lang kami,” babala ng senador.

Sinabi ni Sotto na base sa huling pakikipag-usap ni Isabela Gov. Faustino S. Dy Jr., presidente ng NPC, sa mga lider ng LP, may inklinasyon aniya ang ruling party na isantabi ang equity of the incumbent upang makatakbo rin ang mga lokal na kandidato ng LP, kalaban ang mga kandidato ng NPC.

Bukod sa NPC, kasama rin sa koalisyon ng LP ang Nacionalista Party (NP) na pinamumunuan ni Senador Manny Villar. May tatlong kandidato sa pagka-senador ang NP sa binubuong koalisyon sa LP.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply