LP tiwala pa rin kay Enrile – Belmonte

TIWALA pa rin ang Liberal Party kay Senate President Juan Ponce-Enrile.

Ito ang tiniyak ngayon ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte kasunod ng bantang kudeta ni Senator Antonio Trillanes laban sa liderato ni Enrile.

Nabanggit ni Trillanes na possible aniyang pumalit bilang senate president sina senador Franklin Drilon o Senador Manny Villar.

Sinabi pa ni Belmonte na wala siyang naririnig na usapan o pagkwestyon ng LP sa performance ni Enrile sa senado dahil kuntento at wala silang reklamo sa LP sa ipinapakita at pagtatrabaho ni Enrile partikular ang paghawak nito sa impeachment case ng dating Chief Justice Renato Corona.

Samantala, kinumpirma rin ni Belmonte na “hands off” ang Kamara kaugnay sa nabunyag na diumano’y back channeling kaugnay sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Giit ni Belmonte na interesado ang liderato ng Kamara na mabatid ang tunay na isyu subalit nilinaw niyang walang plano na makialam pa sa backdoor negotiation sa China.

Umiwas din si Belmonte na magkomento kung tama o mali ang naganap na balitaktakang nina Enrile at Trillanes sa plenary ng Senado kahapon lalo na ang pagbubunyag ng senate president sa back chanelling na ginagawa ni Trillanes sa China.

Ipinauubaya na rin ni Belmonte sa Senado ang pagpapasiya kung isasalang si Trillanes sa Senate Ethics Committee.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply