LPA na namataan sa Basco, Batanes, nalusaw na

NALUSAW na ngayon ang binabantayang namumuong Low Pressure Area (LPA) na namataan kahapon sa hilagang Silangan ng Basco, Batanes.

Bagama’t nalusaw ang LPA, makaaasa pa rin ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa partikular ang Visayas, Gitna at Katimugang Luzon kabilang na ang kalakhang Maynila.

Dahil dito, patuloy na ipinapayo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magdala pa rin ng mga panangga sa ulan lalo na sa dakong hapon o gabi.

Maglalaro naman mula 24 hanggang sa 34 na sentigrado ang agwat ng temperatura sa Metro Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply