LPA pasok na sa teritoryo ng Pilipinas

NASA loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang namumuong sama ng panahon na namataan malapit sa Visayas region kaninang umaga.

Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Aldczar Aurelio, huling namataan ang naturang low pressure area (LPA) sa layong 510 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar kaninang alas-10:00 ng umaga.

“Patuloy po nating minomonitor yung namumuong sama ng panahon o low pressure area, kung saan ito po ay nasa loob ng ating Philippine area of responsibility. Nasa layong 510 kilometro na po siya sa silangan ng kabisayaan,” ani Cada.

Dahil dito, makakaranas ng madalas na maulan na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang ilang bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila dahil na rin sa umiiral na Habagat.

Inaasahan din aniya ang katamtaman hanggang sa maalon na karagatan dahil pa rin sa LPA.

Gayunman, sinabi ni Cada na wala pang katiyakan kung kailan magiging ganap na bagyo ang nabanggit na sama ng panahon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply