LRT pababasbasan

BUNGA ng sunod-sunod na trahedya, nakatakdang pabasbasan ng pamunuan ng Light Rail Transit Assocation (LRTA) ang buong LRT station pati ang bagon nito.

Ayon kay LRTA Spokesperson Atty. Hernan Cabrera, tila nagiging takbuhan ng mga taong desperado na sa buhay ang magpatiwakal sa kahabaan ng tren tulad nang sinapit ng matandang babae na si Lucy Aroma sa LRT EDSA Station.

Napag-alamang may problema at naging desperado ang matanda kaya ito tumalon at bumangga sa rumaragasang tren.

Kinasuhan naman ang LRT 1 train operator na si Anthony Gunay ng reckless imprudence resulting to homicide dahil hindi nito napaigilan ang takbo ng tren.

Paliwanag ni Gunay, huli na ang lahat bagamat pinigil talaga nito ang pagtakbo ng tren na ikinamatay ng biktima.

Hindi man suspendido ay napagdesisyunan ng LRTA na huwag munang papasukin si Gunay dahil sa trauma buhat ng pangyayari.

Nanindigan din ang LRTA na ipagtatanggol at susuportahan nila ang operator kahit na kinasuhan ito ng awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply