LTO wala pa ring plaka sa mga bagong sasakyan

KINUMPIRMA ng Land Transportation Office (LTO) National Capital Region (NCR) na wala pa ring mga plaka ng sasakyan ang ahensya para maipagkaloob sa mga bagong sasakyan na irerehistro sa LTO.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Teofilo Guadiz, hepe ng LTO-NCR, na ito ngayon ang kanilang problema dahil wala namang naibibigay na plaka sa kanila ang main office ng ahensya para sa new registrants.

Magugunitang kamailan ay nagpalabas ng kautusan si LTO Chief Virgie Torres na nagsasabing  maaaring magamit ang mga bagong sasakyan kahit na wala itong plaka.

Ang hakbang na ito ay salungat naman sa “no plate no travel policy” ng anti carnapping group ng PNP dahil nagagamit ng mga sindikato ang mga sasakyan na walang plaka sa kanilang modus operandi.

Binigyang diin Guadiz na hindi nga nila malaman kung paano mareresolba ang bagay na ito dahil halos lahat ng rehiyon ng ahensya ay hindi pa rin nabibigyan ng car plates ng LTO main office.

Magugunitang ang JGV enterprises na dating kontraktor ng LTO sa paggawa ng car plates ay natapos ang kontrata noong December 2011. Pumasok ang 2012 na dagsa ang nagpaparehistro ng mga bagong sasakyan ay wala ng plaka na maibigay.

Nitong Abril lamang ng taong ito naaprubahan ni dating DOTC Secretary Mar Roxas ang approval ng paggawa ng plaka sa bagong contractor dito ng LTO.

Umaasa naman ang mga motoristang nairehistro ang kanilang sasakyan na patuloy na walang plaka na maaksiyunan ang bagay na ito ni incoming DOTC Chief Joseph Abaya. Dapat anilang idiplina si Torres sa bagay na ito dahil sa kapabayaan sa pagtupad sa kanyang tungkulin sa LTO.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply