Lucky 13, kandidato sa dating posisyon ni Sereno

LABINGTATLO ang nominado at aplikante para sa iniwang pwesto ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kabilang sa mga nag-apply sa pwestong Associate Justice sina Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes, Jr.,  Associate Justice Ramon Bato at Securities and Exchange Commission Chairperson Teresita Herbosa na naging aplikante na rin sa pwestong punong mahistrado.

Nominado naman sina Court of Appeals Justices Noel Tijam, Magdangal de Leon, at Isaias Dicdican, GRP-MILF peace panel chair Marvic Leonen; government commission for GOCC’s Chairman Cesar Villanueva, National Labor Relations Commission presiding commissioner Josephgerald Mabilog, dating Energy Secretary Raphael Lotilla, De la salle law Dean Jose Manuel Diokno, Adoracion Avisado at Edna Dino, Chief Attorney ng Korte Suprema.

Sa sampung nominado, tanging sina Justices Tijam, de Leon, Dicdican, Chairman Villanueva, at Dean Diokno at Avisado ang nagparating na ng kanilang pagsang-ayon.

Tumanggi naman sa kanyang nominasyon si Atty.Dino.

Wala pang petsa kung kailangan isasalang sa public interview ang mga ito.

May hanggang Nobyembre 22 ang Pangulong Benigno Aquino III para punan ang nasabing pwesto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply